Thursday, December 10, 2009

Carolfest 2009

I super enjoyed performing with UP Law Charivari last night! :) We did not get a place but honestly I felt like we won anyway, that was the BEST performance we had so far for those pieces :)

All those days and nights of practice paid off, guys :) I am saying this with conviction: NIYANIG NATIN SILANG LAHAT. :)


With Jorbs at the student lounge

MGA PASASALAMAT:

Maraming salamat EMIL BUDDY sa iyong tiyaga at pagpapasensya sa pag lead sa ating grupo at sa pagturo ng amazing on the spot choreography :)

Maraming salamat kay PEACH na ibinuhos ang kanyang dugo, pawis, at kaalatan (peace) para disiplinahin kami at i-conduct ang aming mga pagkanta :D

Maraming salamat kay RRRAMON na nagturo ng heartfelt interpretation ng mga kanta :)

Maraming salamat kay JAY na hindi ininda ang pagka pilay at nag piano para sa amin :)

Maraming salamat sa mga ATE AT KUYA from Law na umasikaso ng costumes namin at nagpaka stage collegemates noong event :)

Siyempre, maraming salamat sa lahat mga nanood at sumoporta. Sa aking blockmates na hindi pinapasok sa joint session (hehe) sa mga taga Law na tumili at pumalakpak para sa amin, at sa mga taga CSSP na rin na kahit taga ibang kolehiyo ay nagcheer pa rin para sa amin :)

With Jorbs at the dressing room
Congratulations din sa mga nanalo :) College of Science, College of Mass Communications, at College of Engineering :)

With Lianne


With Lianne.. again
Charivari, I look forward to making more good music and to touching more people with songs (naks) with you :)






No comments:

Post a Comment