A.K.A. Tips on how to evade a ticket :)
M - Mimay
E - Evil MMDA Officer
Blehbleh - Paulit ulit na pag explain lung bakit ako hinuli na may hint ng paghingi ng lagay
NOTE: ALL of these incidents happened somewhere in Ortigas. I will never ever ever drive in Ortigas ever again.
***
ROUND 1
Kakatapos lang ng USC GA. Masakit ang ulo ni Mimay :( pero kailangan niya sunduin ang Kuya niya sa kanyang opisina.
M: Hay I'm such a good sister. Dumdidumdum..
Medyo nacoconfuse si Mimay sa Ortigas, pasikot sikot, madaming one way, etc. Sa kabila nito, naabot niya rin sa wakas ang street ng opisina ng kuya niya.
M: Wait a minute! Sabi ni kuya, magpark daw ako sa 7 eleven.. Hmm Ayun! Ayun ang daan! Left turn!
WANGWANG! WANGWANG!
M: Ayun na ang 7 eleven! magpapark na ako..
WANGWANG! WANGWANG!
M: Ano be itong police car na ito! Can't he see I'm about to park!? Baket niya ako sinasalubong?
*Tumigil ang police car
M: Wat!? Ano be natripan pa mag park na nakaharang saken!?
*Bumaba ang officer
M: Oh..... Oh no!
E: Maam, lisensya lang po?
M: (Taas kilay na binigay ang lisensya)
E: Maam, one way po dito, no entry po dun sa pinasukan mo.
M: Ha? There was no sign! (Nag aattempt i-english to death ang MMDA Officer)
E: Maam, may sign po ang laki laki pa po. (Tsk hindi gumana)
M: If there was a sign then I wouldn't have entered the street.
E: Ehhhh kasi po... bleblebleblebleh bleh.
M: I just said I didn't see your sign.
E: Eh one way nga po dito blehblehbleh bleh bleh
M: I know what one way means. What I'm saying is I didn't see your sign, If I did, If I had known, I would not have passed this street! Okay?
E: Blehbleh bleh bleh bleh
M: *MEOW* (Sinubukan ang silent treatment)
E: Blehblehblehbleh bleh bleh.
M: *Kulisap*
E: *Kamot ulo (Effective ang silent treatment!)
M: *........
E: Ah, may pinunta po ba kayo dito?
M: Oo. Susunduin ko ang kapatid ko diyan (pointed to the building)
E: May opisina po kayo diyan?
M: Yes. Tatay ko may ari. (SINUNGALING! Haha)
E: Ah.. eh.. bleh bleh bleh
M: *MEOW
*Tinawagan ni Mimay ang kuya niya
M: Kuya, bumaba ka na dito. Tinitiketan nila ako! (Sumbong mode)
E: Blehbleh. Hintayin na lang siguro natin ang kapatid mo.
*Bumaba ang kuya ni Mimay
Kuya: Boss, baka naman pwede pagbigyan niyo muna yan?
E: Eh kasi po, blehbleh bleh bleh bleh..
Kuya: Bago lang po kasi nadayo yan dito, Laguna pa po yan galing (Binan ang nakalagay na address sa lisensya ko hehe). May pagka-mahina rin po yan sa direksyon eh.
M: *MEOW
E: Ah, ganun po ba? O sige, Maam, warning nalang po muna ha, blehbleh
M: *MEOW
Kuya: Umalis ka nga diyan ako na magmamaneho!
***
To be continued...
Tuesday, December 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment