Tuesday, November 3, 2009

Mimay Moments in UP Law

Date: July 12, 2008
Account: Multiply

Mga bloopers ko sa law. Hopefully, hindi na madagdagan ang listahan na ito.

Mimay Moment #1
Nagaaral ng maigi si Mimay para sa Legal history, nabasa na niya ang kalahati pero maraming facts na kailangan matandaan (bilang history) kaya inabot siya ng umaga. Dahil 6 meetings lang ang Leg His, gusto ni Mimay magpaka-bibo para sigurado na may grade siya sa recit..

Mimay: Alas-9 pa lang, konting aral pa..

Pumunta si Mimay sa school ng mga alas-10, para makapag-aral pa siya sa lib bago mag 1st class (Consti), Sa lib..

Mimay: Aral aral aral aral
Annika: Uy, Mimay, nag-aaral ka pa?
Mimay: Oo, ang dami kailangan tandaan eh..
Annika: Nag-cut ka kanina?
Mimay: Huh..? Aral..
Annika: Nag-cut? (Makes a cutting gesture)
Mimay: Bakit ako magcucut, eto nga nag-aaral ako eh, di ba after ng Consti ang LegHis?
Annika: Kanina pang 8..
Mimay: @_@
*****
Mimay Moment #2
Persons. Hindi pa natatawag si Mimay sa Persons. Medyo naiinis na siya dahil aral siya ng aral at hindi pa siya tinatawag at mukhang pare-parehong tao na lang palagi ang tinatawag.

Mimay: Hay.. Walang sense ang pagpeprepare ko. :(

Dala ni Mimay ang laptop niya, na may digests na ginawa niya para sa recit, sa kabagutan, napagdesisyunan niya maglaro na lang ng EGGS

Mimay: Wee!
Prof.: What about Ms. Gonzales, Andrea Monica?

Hindi narinig ni Mimay ang tanong, kaya napatulala siya ng isang saglit

Mimay: .....
Prof.: Answer my question directly!
Mimay: The points in Goodridge?
Prof.: (irritated)

Sa kabutihang palad, nakatsamba si Mimay
*****
Mimay Moment #3
Method. Dahil 15 minutes before time na at may nagrerecite na, kampante si Mimay na hindi siya matatawag. Isa pa, maganda ang pakiramdam ni Mimay dahil binigyan siya ng magandang kumento ng Prof. sa simula ng klase. Naisipan ni Mimay tignan ang kanyang cellphone.

Mimay: Hmm...
Lester: (txt) may Memo sa Trinoma SM North, Glorietta..
Prof.: Ms. Gonzales!
Mimay: Huh..?
Prof.: Do not text while someone is reciting. You should listen to her, she volunteered
Mmay: Yes sir.. :(
*****

No comments:

Post a Comment